Tuesday, September 11, 2018

Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating wika?

Ang wika ay tumutukoy sa ating pagkakakilanlan. Dito tayo nagkakaisa at nagkakaunawaan. Kahit may iba't iba tayong dayalekto nagkakaunawaan pa rin dahil sa ating Wikang Pambansa. Ito ang sumisimbolo nating mga Pilipino kung sino at anong meron tayo. 

Marami ang pagbabago sa ating wika ngayon, ang mga kabataan ay mas tinatangkilik na ang wikang banyaga kaysa sa ating sariling wika. Kung mapapansisn ay mas bihasa na ang mga bata na mag salita ng wikang Ingles kaysa Pilipino. Ayos lang naman itong matutunan basta huwag lang natin kalimutan, ikahiya at pabayaan ang ating sariling wika. 

Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika, ipakita natin sa ating mga bayani na nag buhos ng kanilang mga panahon magkaroon lang tayo ng sariling wika. Atin itong mahalin at payabungin.